my name is
by Koree Monteloyola
Pumunta ako sa UP kanina, after kong maka survive sa admission process, naisip ko na kailangan kong bigyan ng reward ang aking sarili sa pamamagitan ng pagkain ng isaw sa Mang Larry's (yung malapit sa SC at Kalayaan Residence Hall)
Naabutan ko don yung 4 girls na mga laking aircon, suot ang kanilang highschool uniforms. Bale bumibili din sila ng isaw.
Ngayon yung stand ng isaw na yon ay may babaeng kumukuha ng orders, meron syang mga papers at ini-indicate nya don kung ilan yung orders at kung sino ang nag order. Tapos kapag tapos na ihawin yung order, tatawagin ng order taker yung "name" ng nag order, para kang nasa Starbucks. Parang pang boost ng ego kahit isaw lang yung binili mo.
Eto na yung kwento...habang umu order yung isang estudyante sinabi nya yung totoo nyang pangalan at pina-spell pa ng maayos, gusto nya talaga correct yung spelling ng name nya - sa ISAW STAND.
Una, ISAW stand yon, hindi yon Starbucks. LET IT SLIDE.
Pangalawa, yung pag pronounce ng pangalan eh maiiba din naman dahil may punto yung babae, hindi ko alam kung saang probinsya sya galing. Correct nga yung spelling hindi rin naman maayos yung pag pronounce. Para saan pa ang pag correct? LET IT SLIDE, NASA ISAW STAND KA.
Pangatlo, hindi mo ba naisip na gumamit ng isang "cool" pseudonym. Bakit di mo subukang gamitin ang "Juancho" kahit babae ka? Pagkakataon mo nang tawagin sa pangalang talagang gusto mo Mr. Matambaka. Walang makiki-alam sa ISAW STAND, THEY LET IT SLIDE.
Pang-apat, nakarinig ka na ba ng isang probinsyanong nag i i slang para lang i pronounce yung pangalan mo?
Pagkatapos nilang umorder, ako na yung sumunod:
order taker: anong order?
ako: 5 isaw ng manok
order taker: pangalan?
ako: koree
Katulad ng ini-expect ko ang sinulat na spelling ng pangalan ko ay "Cory". Ayos lang , ang importante may manners ako pag nasa isawan.




