NGOTSCULAS

by Koree S. Monteloyola

 

Presenting the NGOTSCULAS!

 

Ngotsculas' version of With or Without You

 

Sales representatives sila sa isang appliance and electronics center sa Abu Dhabi - lahat sila, Pinoy.

Makikita sa video na pare pareho sila ng suot - naka-itim at may ID, napapalibutan din sila ng mga higanteng LCD TV/monitors at kung anu ano pang mga mamahaling appliances, kinunan kasi ang video na yan habang oras ng kanilang trabaho - sa loob mismo ng shop...PERO, nagagawa lang nilang tumugtog kapag wala o konti lang ang gumagala galang customers.

Yung mga instruments na gamit nila eh galing din sa mga displays nila sa shop. Astig di ba?

Ang nakakatuwa talaga dito eh nagkataon lang na bawat isa sa kanila ay may talent na tumugtog ng isang instrument para makabuo ng banda.

Oo nga pala astig yung bokalista kasi pinsan ko yon.

yeah boiee!

 

Ang napapanahon na Careless Whisper

 

^ favorite video ko yan ng grupo (so far), maganda pagkaka areglo nila. rak na rak!

Ngotsculas members:

EMERALD on drums (kahit keyboard lang ang gamit)

DANNY on bass

ANGELO (vocals)

RYAN on guitar

JHEFF the funny guy/stretching man

God Bless! rock on! ,m/

Panoorin ang iba pa nilang videos sa youtube!

blog comments powered by Disqus