Long live the king

by Koree S. Monteloyola

 



First time kong napanood yung tribute, days or a week after mamatay ni Michael Jackson.

Nasa grieving stage pa ko ng mga panahon na yon at madalas akong makinig sa mga songs ni MJ, sabi kasi ni Francis Magalona, "...my voice will be heard. Always. At a touch of a button or switch, I am 'alive' again"

Overwhelming yung tribute, hindi ko sinasadya na nakapag react ako sa moves ng MJ impersonator, sabi ko sa sarili ko - nang may halong pagmamagaling, "hindi naman ganyan mag sayaw si Michael Jackson."

Tapos nag sink in sa'kin na hindi ko na ulit mapapanood si MJ na mag moonwalk ng live.

Kahit pa sabihin na unti unting nag decline ang career nya, napapahinto pa rin ni MJ ang pag-ikot ng mundo ng mga tao everytime na nag pe perform sya.

Sa umpisa, parang ayaw ko tanggapin na hindi ko siya makikitang tumanda, o baka naman sa sobrang "talented" at "yaman" nya hindi talaga sya mamamatay - Maybe he can pull it off.

Siguro maiisip ng mga makakabasa nito na parang sobrang impossible naman ng naisip ko, at ano ba ang tinitira or hinihithit ko?

Ang sagot: playlist ng timeless music ni Michael Jackson, lalo na yung "off the wall".

blog comments powered by Disqus