Stop spending time, wasting time

by Koree S. Monteloyola

 

Facebook, Multiply, Twitter, MySpace, Friendster - ilan lang yan sa mga social networks or websites na nag totolerate ng narcissism ng mga members nila, at isa ako sa mga taong yon.

Kailan lang, napapansin ko na marami sa oras ko ang nawawala dahil sa pag login ko sa mga sites na yan, ayos lang sana yon kung wala akong mas maganda o importanteng bagay na dapat gawin - pero meron.

Ito nga mismong pag sulat ng post na 'to eh pwede kong i-consider na waste of time, pero ito ang purpose ng website ko. Sa totoo lang gusto kong i-shift ang traffic na nakukuha ng space ko sa mga social networks na yun papunta dito.

Marami akong excuses na pwedeng ibigay kung bakit, hindi ko pa naayos ang ibang parts ng site na 'to...siguro dahil busy ako sa pag-post ng updates tungkol sa activities ko sa Twitter at Facebook hehehe.

Pero naisip ko, ang mas nakaka-awa eh yung mga taong na-a-addict sa social networks na wala namang sariling computer and internet connection, kaya kailangan pa nilang mag rent ng PC, at pag login nila sa facebook makikita nila na wala silang friend requests - worse - walang nag reply sa update or status nila.

Read-only mode na naman 'no?

Tandaan, kahit anong sobra ay masama, lalo na ang attention whoring.

Category: Uncategorized
blog comments powered by Disqus